Friday, November 21, 2008
chapter 3
"Wala ako pera ngayon e," pero ang gusto ko talaga sabihin e 'magisa ka!.' Pero hinayaan ko na. Bestfriend ko nga daw sya dahil lang sa kasama ko sya mula nung grade 4 kami. Nung uso pa ang teks, miniature model ng mga mech, at tumbang preso sa gitna ng kalsada. Pero wala e, maaga syang nababad sa harap ng computer at hanggang sa ngayon di pwedeng di sya makalaro ng cabal ng dalawa hanggang tatlong oras. Yun na ang lunch nya. Di ko na mababago yun. Babae nalang kulang sa buhay nya. May hope pa. Pero kwento ko ito hindi kanya.
Sigurado ako di ko kabatch sya. Konti nalang kami ngayon kaya kilala ko lahat ng mga nakaenrol sa IT. Madami ring maganda sa batch namin pero ba't ganun, bigla nalang may mabigat na dagok sa aking dibdib nung makita ko sya? Pumasok kami ni Hero sa huling klase namin nung magsecond bell na. Gaya ng dati, magkatabi ulit kami. Limang minuto ang lumipas pero kita kay Hero na nangangati na sya para makapagcabal, tutok na tutok ang mata nya sa relo, inaabangan ang pagpatak ng ika labinlimang minuto. Ang mahal ng tuition namin tapos ipagpapalit nya lang sa bente pesos kada oras sa computer shop. Siguro nga kailangan nya na ng babae para magising sya. Sana.
"Excuse me, may uupo ba dito?" naalala ko bakante pala yung upuan sa kanan ko. Kay Jeff dapat yung upuan na yun pero, gaya ni Hero, pinagpalit nya din yung klase nya, yun nga lang sa isang piraso ng sigarilyo. Pero ayos lang yun, kahit sino na katabi ko huwag lang sya. Di nya alam na sinasayang nya ang laway at pagod nya sa pagdadadaldal ng walang kabuluhan. Asset nya daw yun. Whatever.
"Ah sige lang, nagsusunog ng baga at utak yung uupo sana dyan," malalim ko pa ring iniisip nung panahong iyon yung babae sa corridor kaya di ko na pinansin yung katabi ko, di ko namalayang nagpapakilala pala sya sa akin. Lumingon ako sa kanya para di naman daw sya basag. Sa sandaling iyon ramdam ko ang paninigas ng katawan ko at parang unti unti akong nanlalambot.
"Hi! ako pala si Bianca. Patabi ha?"
chapter 2
“Oist, pasok na. Maabutan ka pa ng holdaper dyan.”
Pamilyar ang boses. Si Hero, bestfriend ko since elementary. Maingay pag magkasama kami, pero tahimik din pag mag-isa tulad ko. Ang hindi lang namin siguro pinagkakasunduan ay ang paglalaro ko ng dota. Mahilg sya sa mga online games, pero hindi sa dota. Bakit ko daw pinag-aaksayahan ng panahon ang larong hindi ko naman pwedeng dalhin ang level at gold ko sa susunod na laro. Pero bakit sya? Pag may bagong labas na online game, magpapakaadik sya to the point na every other day overnight, tapos after two weeks magsasawa, babalik sa RO.
Buti nalang classmate ko sya dito. At least may makakausap ako habang nag-iingay ang instructor sa harap. Isang boring at walang challenge na subject nanaman kasi, Stat. Hindi naman sa nagyayabang, pero hindi ako nachachallenge sa mga math ng college namin. Parang common sense lang. Walang dating. Sana lang hindi ganun ang mangyari this sem, para ganahan naman akong mag dean’s list.
“Oh, kala ko itatake-2 mo integral?” Hindi malakas ang boses ko, pero sigurado akong may mga nakarinig. Hindi ko sinasadya. Kakaunti palang ang tao sa room.
“Next sem na. Mas madali daw ‘to. Ayoko ng mahirap na subject, gusto kong icareer yung Cabal.”
Bagong online game nanaman. Ewan ko ba dito, mas priority pa ang level ng character nya kesa sa grade. Wala na ‘kong magagawa. Sinubukan ko nang kausapin dati. Tumigil naman. Pero nung lumabas ang LineAge II, sinimulan nanaman nya.
“Pano kung si Alvarez nanaman instructor natin ngayon?” Tinutukoy ko yung matandang masungit na instructor namin sa integral na parang lullaby magsalita. Saka nambabagsak.
“Langya, lilipat ako sa kabilang schedule.” Nakangiti si Hero na parang hindi seryoso sa sinasabi. “Kain muna tayo, di pa ‘ko nag-aagahan.”
Ako rin. Hindi talaga ako nag-uumagahan. Pero sige, sasamahan ko na. Maaga pa naman.
Lumabas kami ng room. Dun ko nakita ang babaeng pakakasalan ko.
chapter 1
BUZZ!
Anton: musta
fire_works18: hi
Anton: napa online ka
fire_works18: la lang. d ako makatulog. excited na para bukas
Anton: saan?
fire_works18: pasukan na namin
Anton: oh? kami rin eh
fire_works18: hehe. san ka nga pala pumapasok?
Anton: slu ako. ikaw?
fire_works18: hala. slu din ako. coincidence! :))
Anton: oh? anong course?
Walang reply sa loob ng isang minuto.
fire_works18 is now offline.
Anton: ...
Ba’t kaya nag-offline? Siguro nadisconnect. May topak daw internet nila ngayon, kaya hindi sya nakakapaglaro ng GG. Dun ko rin sya nameet, one week ago, sa end-game chat. Nagkapalitan lang ng ym, tapos instant friends na kami. Naimpress siguro sa laro ko. Dalawang beses ba naman kasing triple kill, tapos isang beses na triple triple kill. Syempre luna ko gamit ko, butterfly satanic scepter refresher. Ang ganda ng timing ko sa noob na kalaro, may instant fan na team mate. Dalawang beses palang kaming nakapagchat, ito ang pangatlo. Madalas syang mag-online pero madalas ding Busy o AFK ang status, kaya hindi ko na iniistorbo. Saka isa pa, marami na akong kachat.