First day of school nanaman. Kahit third year college na ako, ito parin ang pinaka-ayaw kong araw sa lahat, maliban sa mga defense days. Ayoko ng nakikipag-usap sa taong hindi ko kilala, at kadalasan ganito ang nangyayari sa first day, dahil kakaunti kami sa college. Maraming cross-enrollees. Maraming masasamang-loob. Maraming emo. Maraming feeling close, at yun ang pinaka ayaw ko sa lahat.
“Oist, pasok na. Maabutan ka pa ng holdaper dyan.”
Pamilyar ang boses. Si Hero, bestfriend ko since elementary. Maingay pag magkasama kami, pero tahimik din pag mag-isa tulad ko. Ang hindi lang namin siguro pinagkakasunduan ay ang paglalaro ko ng dota. Mahilg sya sa mga online games, pero hindi sa dota. Bakit ko daw pinag-aaksayahan ng panahon ang larong hindi ko naman pwedeng dalhin ang level at gold ko sa susunod na laro. Pero bakit sya? Pag may bagong labas na online game, magpapakaadik sya to the point na every other day overnight, tapos after two weeks magsasawa, babalik sa RO.
Buti nalang classmate ko sya dito. At least may makakausap ako habang nag-iingay ang instructor sa harap. Isang boring at walang challenge na subject nanaman kasi, Stat. Hindi naman sa nagyayabang, pero hindi ako nachachallenge sa mga math ng college namin. Parang common sense lang. Walang dating. Sana lang hindi ganun ang mangyari this sem, para ganahan naman akong mag dean’s list.
“Oh, kala ko itatake-2 mo integral?” Hindi malakas ang boses ko, pero sigurado akong may mga nakarinig. Hindi ko sinasadya. Kakaunti palang ang tao sa room.
“Next sem na. Mas madali daw ‘to. Ayoko ng mahirap na subject, gusto kong icareer yung Cabal.”
Bagong online game nanaman. Ewan ko ba dito, mas priority pa ang level ng character nya kesa sa grade. Wala na ‘kong magagawa. Sinubukan ko nang kausapin dati. Tumigil naman. Pero nung lumabas ang LineAge II, sinimulan nanaman nya.
“Pano kung si Alvarez nanaman instructor natin ngayon?” Tinutukoy ko yung matandang masungit na instructor namin sa integral na parang lullaby magsalita. Saka nambabagsak.
“Langya, lilipat ako sa kabilang schedule.” Nakangiti si Hero na parang hindi seryoso sa sinasabi. “Kain muna tayo, di pa ‘ko nag-aagahan.”
Ako rin. Hindi talaga ako nag-uumagahan. Pero sige, sasamahan ko na. Maaga pa naman.
Lumabas kami ng room. Dun ko nakita ang babaeng pakakasalan ko.
No comments:
Post a Comment