"Ahoi dude! chix pare!" biglang singit ni Hero. Panira ng moment. Andun na sa parte na mag a-i-do ung babae. Hay. Pangarap nalang ba ulit? Hindi maari. This time for sure na ito. "Dude cabal tayo!" change topic agad. Yan si Hero, minsan lang kung dumaan ang babae sa isip nya unless isa itong 3d generated character na maputi ang kutis, pink at nakapig-tail ang buhok at sa tuwing tinitira ito ng monster e humihiyaw na parang tinitira ng ano... -for adults only-.
"Wala ako pera ngayon e," pero ang gusto ko talaga sabihin e 'magisa ka!.' Pero hinayaan ko na. Bestfriend ko nga daw sya dahil lang sa kasama ko sya mula nung grade 4 kami. Nung uso pa ang teks, miniature model ng mga mech, at tumbang preso sa gitna ng kalsada. Pero wala e, maaga syang nababad sa harap ng computer at hanggang sa ngayon di pwedeng di sya makalaro ng cabal ng dalawa hanggang tatlong oras. Yun na ang lunch nya. Di ko na mababago yun. Babae nalang kulang sa buhay nya. May hope pa. Pero kwento ko ito hindi kanya.
Sigurado ako di ko kabatch sya. Konti nalang kami ngayon kaya kilala ko lahat ng mga nakaenrol sa IT. Madami ring maganda sa batch namin pero ba't ganun, bigla nalang may mabigat na dagok sa aking dibdib nung makita ko sya? Pumasok kami ni Hero sa huling klase namin nung magsecond bell na. Gaya ng dati, magkatabi ulit kami. Limang minuto ang lumipas pero kita kay Hero na nangangati na sya para makapagcabal, tutok na tutok ang mata nya sa relo, inaabangan ang pagpatak ng ika labinlimang minuto. Ang mahal ng tuition namin tapos ipagpapalit nya lang sa bente pesos kada oras sa computer shop. Siguro nga kailangan nya na ng babae para magising sya. Sana.
"Excuse me, may uupo ba dito?" naalala ko bakante pala yung upuan sa kanan ko. Kay Jeff dapat yung upuan na yun pero, gaya ni Hero, pinagpalit nya din yung klase nya, yun nga lang sa isang piraso ng sigarilyo. Pero ayos lang yun, kahit sino na katabi ko huwag lang sya. Di nya alam na sinasayang nya ang laway at pagod nya sa pagdadadaldal ng walang kabuluhan. Asset nya daw yun. Whatever.
"Ah sige lang, nagsusunog ng baga at utak yung uupo sana dyan," malalim ko pa ring iniisip nung panahong iyon yung babae sa corridor kaya di ko na pinansin yung katabi ko, di ko namalayang nagpapakilala pala sya sa akin. Lumingon ako sa kanya para di naman daw sya basag. Sa sandaling iyon ramdam ko ang paninigas ng katawan ko at parang unti unti akong nanlalambot.
"Hi! ako pala si Bianca. Patabi ha?"
No comments:
Post a Comment